DALAWA na ang girls ng mag-asawang Pia Guanio at Steeve Mago.

Ipinanganak ni Pia ang second daughter nilang si Soleil Brooklyn Guanio Mago sa Medical City nu’ng May 29.

Ang cute ng pics ni Baby Brooklyn na pinost ng mag-asawa sa Instagram.

Natuwa ang mga Dabarkads ni Pia sa Eat Bulaga sa bagong dagdag na baby sa kanilang pamilya.

Malamang magpahi­nga muna si Pia pagkapa­nganak at alagaan muna ang bago niyang baby, so mas kailangan ang pre­sence ng tentative co-host ng EB na si Luane Dy.

Ang suwerte ni Luane dahil ang ganda ng exposure niya sa show, pero mukhang kailangan nang kumuha ang Eat Bulaga ng mga bago, bata at fresh faces na co-hosts.

Back to Pia, mga tatlong buwan siyang nag-leave sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras nang una siyang manganak nu’ng 2012.

Hindi kami sure kung ganu’n din katagal siyang mawawala sa EB dahil dito sa second baby niya.

Magpa-5 years old na sa August ang panganay nila ni Steeve na si Scarlet Jenine, na ang cute ng pic kasama ang kanyang baby sister.

“Twins!” ang karamihang comments sa pic ng magkapatid dahil parang pinagbiyak na bunga ang dalawang girls.

Aliw ‘yung IG vide­o na pinost ni Pia na panay ang kausap ni Papa Steeve kay Baby Brooklyn habang hawak-hawak nito ang bagets.

Buong umaga raw na ganu’n ang mag-ama, sabi ni Pia.

Dahil nanganak na si Pia ay isa na lang ang buntis sa Eat Bulaga, si Pauleen Luna-Sotto na nakatakdang isilang ang una nilang anak ni Vic Sotto later this year.