Pinagkakalat

payong-kapatid-box kuya rom

Dear Kuya Rom,

Just call me Cristy. Friend ko siya sa high school. Ang boyfriend niya sa school ay friend ko rin. May isang taon din ang kanilang love affair.

Pero nahuli siyang may iba siyang karelasyon na lalaki, at dahil dito iniwan siya ng kanyang boyfriend.

Nakatapos kami ng college. Ang lahat ay may kanya-kanyang trabaho na ngayon. Malapit ang office ng friend ko sa office ko. Nagkukuwentuhan kami sa canteen.

Hindi naman daw totoo na may ibang lalaki sa kanyang buhay noon, kundi kakilala lang niya ito.

Ang sabi ko, kailangang maingat siya sa kanyang communication para hindi mabigyan ng ibang kahulugan.

Mahilig siya kasing tawaging “sweetheart” ang lahat ng kilala niya, kapatid, kamag-anak, kabarkada.

Sabi niya, masakit sa kanya ang paglayo ng boyfriend niya noon. Hindi na raw ito nakikipag-usap sa kanya.

Kahit anong paliwanag niya, hindi tinatanggap ng kanyang boyfriend. Malungkot siya, kaya mula noon may relationship siya sa isang lalaking nakilala pagkatapos ng high school break up.

Panay ang post niya ng mga date nila, kung saan-saan sila namamasyal. Pinakikita niya ang bawat happening sa kanyang buhay, parang sinasabing maligaya na siya ngayon.

Ang friend ko naman na dati niyang boyfriend ay nagkagusto sa akin. Niligawan ako.

Actually, matagal ko na siyang hinahangaan. Pagkaraan ng 2 months na panliligaw niya sa akin, na in love ako sa kanya. Sincere siya, at may plano nang magpapa­kasal kami next year.

Ang kaibigan kong ex-girlfriend niya ay nagalit sa akin nang malaman niyang malapit na akong ikasal. Pinagkakalat niya ngayon na masama ako, mang-aagaw, at backstabber.

Paano na ito? I now feel like a terrible person. I don’t know what to do to move on. – Cristy

Dear Cristy,

Ang nangyayari sa inyo ay parang high school drama ng mga batang magkakaibigan. Konektado ang inyong mga buhay.

Naapektuhan ang bawat isa. May damdaming maaaring masaktan, at may pusong maaaring masugatan.

Pero hindi na kayo mga bata. Importanteng mag-usap kayong tatlo bilang adults. Pero maghintay kayo ng tamang oras. Mainit pa ang issue, kaya palamigin ninyo muna ito.

Sabihin mo sa boyfriend mo na siya bilang lalaki ang manguna sa pagsasaayos ng inyong buhay.

Ang isang bagay na mahalagang ayusin niya ngayon ay ang ikinikilos ng ex-girlfriend niya na maaaring mauwi sa isang iskandalo.

Gawing malinaw na matagal nang lumipas ang high school love affair, ang friend mo ay may ibang lalaking karelasyon niya noon at ngayon, at mahabang panahon na ang dumaan bago dumating ang pangyayaring ikakasal ka na sa ex-boyfriend niya.

Ipaliwanag ng boyfriend mo sa kaibigan mo na naghintay kayo ng tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat.

Ayusin ninyong tatlo ang anumang nakaraang sigalot at hindi pagkakaunawaan, magpatawaran, at magyakapan, upang kayong lahat ay makapagmove on. May God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom