Kung sa boksing — 10 counts para ideklarang knockout, masakit kay Sen. Leila de Lima na mabilangan ng 16-boto para masibak bilang chairperson ng Senate committee on justice at hindi sukat akalaing manggaling ang ‘suntok’ kay Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao.
Sa karamihan, ikinagulat ang pagkakasibak kay De Lima sa justice committee subalit kung babalikan ang mga kaganapan bago ang ‘power punch’ ni Pacman, halos isang buwang pinagplanuhan ang senadora, as in planado at kalkulado ng majority bloc ang galaw ni Pacman.
Bago na-‘KO’ si De Lima sa session hall noong Lunes, merong pag-uusap ang majority bloc sa bahay ng isang kasamahang senador. Hindi masasabing emergency meeting ang nangyari noong Linggo dahil madalas naman nilang napag-uusapan ang isyu, kahit itanong niyo pa kay Sen. Loren Legarda ito.
Ang original plan, hindi lamang si De Lima ang puntiryang sibakin sa majority bloc kundi buong Liberal Party (LP); kasama ang grupo ni Sen. Franklin Drilon pero nagkaroon ng diskusyon dahil kulang sa numero ang mayoryang nag-upo kay Senate President Koko Pimentel.
Sa huli, nagkasundo ang majority bloc na tanging si De Lima lamang ang tatanggalan ng komite — isang katanungan kung bakit nagkahiwa-hiwalay ng posisyon ang Liberal; hindi bale si Sen. Ralph Recto dahil lider ng minorya at hindi kasali sa majority bloc na nag-upo kay Pimentel.
Tatlong pangalan ang pinagpiliang ipapalit kay De Lima — sina Sen.Francis ‘Chiz’ Escudero, Sen. Richard ‘Dick’ Gordon at talunang vice presidentiable na si Alan Cayetano. Unang inalok kay Escudero ang komite subalit tinanggihan kaya’t napunta kay Gordon kahit pa hawak ang Senate blue ribbon committee nito.
Kung tama ang bilang ng inyong lingkod, anim ang miyembro ng LP sa Senado — Drilon, De Lima, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Ralph Recto. Hindi maaaring ibilang si Sen. Joel Villanueva dahil ‘saling-pusa’ lamang sa nakaraang eleksyon habang si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, ito’y inampon.
Kung susuriin ang nangyari kay De Lima, ito’y hindi sorpresang galaw ng majority bloc dahil bago pa man inupo si Pimentel, hindi lingid sa kaalaman ng senadora na ayaw itong pahawakin ng justice committee ng Malacañang sa pangambang gagamitin laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
At mismong si Pimentel na nalalaman ang ‘dilemma’ sa isyung ito pero itinuloy pa rin ang plano dahil masarap nga namang matawag na ‘Senate President’ kesa ordinaryong senador.
Sa boksing, nakahanap ng tiyempo si Pacman para magpakawala ng ‘killer punch’ at pinaboran ng mga judge kaya’t nagresulta sa 16-4 via unanimous decision ng majority bloc. Kalokohan kung kahapon lamang sila nag-usap-usap lalo pa’t nakaraang buwan tinangka nang patalsikin ang senadora.
Sa kabilang banda, wala namang nawala kay De Lima sa pagkakasibak bilang justice chair dahil mapasuweldo, benepisyo o probilehiyo kapareho pa rin ang tatanggapin ng lady solon. Kaya’t ang hamon ngayon: mananatili ba si De Lima sa majority bloc bilang Liberal o sumama kay Recto sa minority bloc at panindigan ang pagiging oposisyon? Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”
(Twitter: follow@dspyrey)
mas ok ang mga ganitong balita para sa ating mga nagbabasa lang. Sa totoo lang naman wag kayong masyadong magbulag bulagan, marami sa mga nakaupo ngayon ay datihan na at marami sa kanila ay mga magnanakaw at sipsip din kung sino pangulo dun sila kakampi
MAGKANO BA TINATANGGAP MONG BONUS KAY DELIMA….REY MARFIL???
HINDI BALENG MASAKTAN SIYA NG KONTE NGAYON….ILANG TAON NAMAN SIYA NAG PASARAP SA BUHAY AT SEX HANGGANG NGAYON……HAHAHA