Pinakamahabang pelikula

Sunday Trivia

Ang peregrine falcon ang itinuturing na pinakamabilis na ibon. Umaabot sa 320 km/h ang bilis ang lipad nito kapag nangha-hunting ng kanyang makakain
***
Si Hans Langseth ang may pinakamahabang balbas na may sukat na 17 & ½ feet long. Ibinigay sa Smithsonian Institute ang kanyang balbas nang siya’y mamatay.
***
Ang Africa ang nakapagtala ng may pinakamainit na temperatura na umabot sa 136.4 degrees F, kaya ito ang itinuturing na pinakamaiinit na kontinente sa buong mundo.
***
Ang Antartica naman ang pinakamalamig na kontinente sa buong mundo na nakapagtala ng -126.9 degrees.
***
Ang Angel falls na matatagpuan sa Vene­zuela­ ay mas mataas ng 20 ulit kung ikukumpara sa Niagara falls ng Canada.
***
Ang pinakamalaking­ hayop na nabuhay sa mundo ay ang Blue whale. Umaabot ng 100 feet ang haba nito at may bigat na 150 tons ang timbang.
***
Si Wilt Chamberlain ang NBA player na ­naka-score ng 100 points sa isang basketball game noong 1962 nang siya’y maglaro sa Philadelphia Warriors.
***
Ang itinuturing na pinakamaliit na pusa ay ang Singapuras at tumi­timbang ng 4 lbs.
***
Ang pinakamaha­bang pelikula ay tumagal ng 87-oras at pinamagatang ‘The Cure for Insomnia’. Ang director nito ay si John Henry Timmis IV at ipinalabas noong 1987.
***
Pinakamataas na bundok ang Mt. Everest na may sukat na 29,028 feet.