Si Victorino Montano Mapa ang pangala­wang Punong Mahistrado ng Korte Suprema noong p­anahon ng mga Amerikano­ sa Pilipinas.

Una siyang itinalaga bilang associate justice ng bagong tatag na Korte Suprema noong 1901. Nagbitiw siya sa Kataas-taasang Hukuman upang manungkulan bilang kalihim ng Department of Finance and Justice noong 1913. Nang magretiro na siya ay itinalaga naman­ ­­bilang pangalawang ­Punong Mahistrado ng bansa ngunit hindi rin nagtagal ay napilitan siyang magretiro nang maaga dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

***

Cavite Boulevard ang unang pangalan ng Roxas Boulevard na ang kahabaan ay sakop ng tatlong lungsod sa Metro Manila — ang Maynila, Pasay City at Parañaque. Nang dumating ang mga Amerikano sa bansa ay pinangalanan itong Dewey Boulevard na isinunod kay Admiral George Dewey. Ngunit noong panahon ng mga Hapones ay pinalitan ulit ang pangalan nito at tinawag na Heiwa Boulevard. Noong 1960s nang ipinangalan na ito kay Pangulong Manuel Roxas.

***

Ang La Loma Catholic Cemetery ang pinakamatandang libingan sa lungsod ng Maynila. Taong 1884 nang buksan ito at pinangalanang Cementerio de Binondo dahil dating sakop ang nasabing lugar ng distrito ng Sta. Cruz noong panahon ng mga Kastila.

***

Ang Amerikanong si Joseph Emile Hamilton Stevenot ang unang ­national president ng Boy Scouts of the Philippines na umupo sa nasabing katungkulan mula 1938 hanggang 1942.

***

Si Nicanor F. Garcia ang unang nahalal na alkalde ng Makati at nanungkulan ito mula 1922 hanggang 1934. Isinunod sa kanyang pangalan ang isang kalye sa nasabing lungsod na ang dating pangalan ay Reposo Street na nakilala dahil sa mga art galleries, interior design showrooms at restaurants na matatagpuan dito.