Nagkaisa ang lokal na pamahalaan, Department of Public Works and Highway (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa San Francisco, Agusan del Sur na sagipin ang may 300 taon ng puno na Philippine Rosewood (Petersianthus quadria­latus) na pinaniniwalaang pinakamataas at pinakamatandang punongkahoy sa bansa.

Ang naturang puno na may 54 metro ay matatagpuan sa Maharlika Highway sa Brgy. Alegria.

Una nang minarkahan ng DENR para putulin ang puno dahil sa posibleng panganib nito sa mga motorista at commuter sa sandaling bumagsak. Medyo nakahapay na kasi ang puno dahil nabubulok na ang ibabang bahagi nito.

Gayunman, sinabi ni Dr. Marcelino Pacho, isang tree surgeon, na maaari pang maayos ang puno. (Juliet de Loza-Cudia)