‘Pinas ‘Asia’s most dangerous’ sa reporters

Itinuring ng Reporters Without Borders (RSF) ang Pilipinas bilang pinakadelikadong bansa para sa mga reporter sa buong Asya.

Binanggit ito ng RSF dahil limang journalist­ ang binaril noong nakaraang taon, kung saan apat sa kanila ang binawian ng buhay.

Ikinaalarma ng grupo ang sinabi­ ni Pangulong Rodrigo­ Duterte noong Mayo na “just because you’re a journalist you are not exempted from assassination if you’re son of a bitch.”

Ngayong 2017, umaabot sa 65 journalist na ang pinatay sa buong mundo kung saan pinakamarami dito ay sa war-torn Syria na may 12, habang 11 naman ang pinaslang sa Mexico.

Kabilang sa pinatay sa Mexico ay ang AFP contributor na si Javier­ Valdez, 50, na nagsulat ng librong ‘Narco-journalism’ tungkol sa peligrong pinagdadaa­nan ng mga reporter sa pagsusulat ng drug cartel sa Mexico.

Tinukoy naman ang Turkey bilang may pinakamaraming­ pinakulong na repor­ter sa bilang na 42. Marami sa pinakulong sa Turkey ay isinabit sa terrorism.

Ang China naman ang may pinakamaraming nakulong na blogger sa bilang na 52.