Napanood ko lahat ang napakagandang mga laro sa PH 30th Southeast Asian Games 3×3 basketball men and women events sa FilOil Arena sa San Juan Juan City.
Inabot ko bago pa ang laban para sa kampeonato, nanalo muna ang Gilas women laban sa Vietnam, 21-12, sa magandang laro ni Janine Pontejos.
Wagi rin ang Thailand kontra Malaysia 16-14 sa isang overtime game, kaya ang Thais ang pumasok sa championship kontra ang ‘Pinas.
Maganda ang laro ng mga Pilipina at mga Thai. Pero kalauna’y lumamang nang malaki ang mga kababayan natin sa angas sa opensa ni Afril Bernardino, na gumawa ng 10 puntos.
Nag-rally man ang Thais sa 7-1, run, pero kinapos pa rin sa huli. Wagi ang mga Pinay at nagkampeon sa ipinakitang puso ni Bernardino, lalo ang sunod-sunod na mga puntos na ginawa. Tumapos ang PH 3 na may 6-1 win-loss record
Kung may award na Most Valuable Player sa womens 3×3, ibibigay ko ito kay Bernardino. Kasama ni Bernardino sa team sina Jack Animam, Janine Pontejos, at Clare Castro
Sa men’s side, nawalis ng mga Pinoy ang walong laro tungo sa ginto.
Nabuo sa team sina PBA players Mo Tautuaa, Jason Perkins, CJ Perez at Chris Newsome.
Pinagdedemolis ng Pilipinas ang Vietnam, Singapore, Thailand at Indonesia sa eliminations. Sa semifinals ang Thais sa magarang laro nina Perkins ng Phoenix Pulse at Perez ng Columbian Dyip. At sa finals ang Indonesia, na nakatalo sa Vietnam sa semis, 20-18.
Congrats sa ating mga manlalaro.