`Pinas kulelat sa research – Lacson

“Why not invest more in the country’s research and development?”
Ito ang tanong ni Senador Panfilo Lacson matapos mag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P10 milyon bilang pabuya para sa sinomang Pilipino na makakadiskubre ng gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The President has offered P10M to whoever can develop a vaccine for COVID-19,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter kahapon.

“How about investing more on R&D (research and development) than a token annual average share of 0.4% from the GAA (General Appropriations Act)?” dagdag pa nito.

Muling iginiit ng senador na dapat magkaroon ng malaking alokasyon para sa research at development dahil sa kasalukuyan nasa 0.39% lang ang inilaan para dito sa ilalim ng 2020 national budget.

“We only need to look at how much the most prosperous countries spend on R&D to see why we are among the laggards,” sabi pa ng senador. (Dindo Matining)