Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pilipinas at Papua New Guinea para sa mas pinaigting na koope­rasyon sa larangan ng agrikultura.

Tampok sa MOA ang tie-up sa rice and grain production, horticulture, aquaculture, post harvest development, pag-aalaga ng mga hayop at mas pinahusay sa pagpaparami ng kambing at baka.

Nakapaloob din sa MOA ng dalawang bansa ang paglalaan ng kapital sa agrikultura, palitan ng expertise at teknolohiya.

Sa ilalim ng kasunduan, magpapadala ang Pilipinas ng mga eksperto sa Papua New Guinea para magturo sa mga mamamayan nito ng teknolohiya sa agrikultura gayundin ang nabanggit na bansa.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malawak ang lupain ng Papua New Gui­nea para sa food production kaya dapat nila itong pagyamanin.

Pinayuhan din ng Pangulo ang mga opis­yal ng nabanggit na bansa na huwag ha­yaang masakop ng mga multinational ang kanilang mga lupain dahil mapupunta lamang sa kanila ang kita at hindi sa kanilang bansa.