Nasawi ang isang 24-anyos na lalaki matapos barilin nang ­malapitan ng riding-in-tandem habang nagla­lakad ­pauwi makaraang kumain sa isang steak house kasama ang kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Marlon Joseph del Rosario, resi­dente ng 1149 Francisco Street, Arellano, Malate habang mabilis namang tumakas ang dala­wang salarin na kapwa hindi nakilala dahil nakasuot ng helmet at lulan ng isang kulay orange na Mio Sporty Motorcycle, na hindi naplakahan.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, alas-12:05 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng NLC Residences sa Estrada Street, Arellano, Malate.

Katatapos lamang umano ng biktima na kumain sa Alex Old Steak House, kasama ang kaibigang si Keith Ibañez, nang pagsapit sa natu­rang lugar ay bigla na lang silang hinintuan ng mga suspek at walang sali-­salitang tinutukan ng baril sa noo at binaril at saka mabilis na tumakas.

Pauwi na sana umano ito ng Baguio pero minalas na mapatay.