Obviously, hindi lang sa Pilipinas maraming dog lover o ‘yung mga pet ay talagang kapamilya na ang turing ng may-ari o nag-aalaga. Ma­ging sa South Korea ay marami rin na talagang sinusulong ang proteksiyon ng mga pets, lalo na ng mga aso.

Kaya imadyinin na lang kung gaano naging heartbreaking sa mga pet lovers sa Korea ang nangyari noong December 7. Isang animal shelter sa Miyang-­myeong, Gyeonggo Province ay natupok dahil sa apoy.

Tatlong oras daw bago napahupa ng mga firefighters ang apoy kaya naman umabot sa 260 bilang na hayop ang namatay.
May 180 na aso at 80 na pusa ang namatay, though wala namang naulat na namatay na tao.

Naging kilala ang naturang animal shelter dahil sa South Korean singer/act­ress na si Lee Hyori. Dito nanggaling ang love na love niyang alagang aso na pina­ngalanan niyang Soonshim. Kinuha niya si Soonshim mula sa shelter noong 2011.

Isa sa mga sikat na singer/actress si Lee Hyori sa Korea. There was a time na siya rin ang may hawak ng titulong highest paid female singer. Noong 2013, nagpakasal siya sa musician na si Lee Sang-soon sa kanilang vacation home sa Mt. Halla in Jeju Island.

Pareho silang mga miyembro ng ani­mal rights group. Nag-record din ng kanta si Hyori bilang suporta sa animal shelter. So far, wala pang anumang statement mula sa mag-asawa, pero siguradong isa ang mga ito sa malungkot sa pangyayaring ito.