Pinatawad ko na tatay ko – Kyline

Inamin ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara na nu’ng 7 years old pala siya ay iniwan sila umano ng kanilang tatay.

“Naging broken family po kami. Iniyakan ko ‘yun. Sobra po akong nasaktan. Pero ngayon okey na po kami. Masaya na po ulit family namin. Pinatawad ko na po tatay ko,” kuwento niya sa presscon ng kanyang launching movie na “Black Lipstick”.

Tinanong namin si Kyline kung anong feeling na bida siya sa pelikula?

“To be honest po, hindi pa rin po siya talaga nagsi-sink-in totally sa akin. But I’m excited, pero mas marami po ‘yung pressure and kinakabahan,” pakli niya.

Dagdag niya, “I think, it’s a negative thing. But you know, ewan ko po, pressured po ako and kinakabaan than excited. Honestly! Super honest lang po ako,”aniya pa.

Ano ba ‘yung nagpapakaba sa kanya?

“Kinakabahan po ako sa magiging resulta ng movie (sa takilya),” sagot niya.

“Pero kung ano man po ang magiging resulta nitong movie na ‘to, of course, ginagawa ko rin po ito because I love acting. Kumbaga, kahit hindi po ako bayaran, aarte po ako.”

Paano niya ba hina-handle ang kaba niya?

“I talk to God. Like, meron po ako meditation time with God, na kinakausap ko lang ‘yung sarili ko, kinakausap ko si God. And ayun po, ‘yun po ang nagpapakalma sa akin, because I do that every night before I go to sleep. Para happy ako bago matulog,” saad pa ni Kyline.

Anyway, gumaganap siya sa “Black Lipstick” bilang isang dalagang walang tiwala sa sarili. Biktima siya ng bullying dahil sa kanyang kakaibang hitsura na dulot ng maselang sakit sa balat. Pero mula nang mapasakamay niya at magamit ang black lipstick ay kuminis at gumanda ito. Showing na ito sa October 9. (Rommel Placente)