Pinatay na baboy sa ASF, 216K na

Babae kinain ng mga alagang baboy

Nasa 216,000 na ang pinatay na mga baboy dahil sa Afri­can Swine Fever simu­la nang umabot ito sa Mindanao.

Nabatid kay Agri­culture Secretary William Dar, 1.7% lamang ito ng mga baboy sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umabot sa 12.8 milyon ang national swine population pagpasok ng Enero 1, 2020. Ang bilang naman ng DA sa national swine population, base sa pinakabagong report nito ay 12.7 milyon.

Ayon sa DAR, 13% lamang ng mga pinatay o 28,080 ang apektado ng ASF.

Ayon kay Dar, swill feeding ang dahilan ng outbreak ngunit hindi pa na­tutukoy ng DA ang tunay na pinagmulan nito. Maari din kasing nanggaling ito sa mga smuggled pork product o mga tira-tirang pagkain sa mga daungan. ­(Eileen Mencias)