Isang Filipina autism advocate ang nagtamo ng karangalan sa Asean Prize na ginanap sa Singapore.
Labis namang natuwa at ipinagmalaki ng Malakanyang ang pagkakapanalo ng nasabing Pinay autism advocate na si Erlinda Uy Koe. Si Koe ay kasapi sa Asean Society Philippines at chairperson ng Asean SEAN autism Network.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo nakaka-proud na si Prime Minister Lee Hsien Loong pa mismo ang nag-award sa Pinay kung saan tiyempong nasa front row at saksi mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing event.
Sinabi ni Panelo na isang malaking karangalan ang naibigay ng Filipina advocate sa bansa.
Ang naging kontribusyon ni Koe sa mga taong may autism, ayon opisyal ay simbolo ng ASEAN spirit na nagtataguyod ng inclusive, resilience, people-oriented and people-centered community.
Kasabay ng pagkakapanalo ni Koe ay hinimok ni Panelo na magsilbi sanang inspirasyon sa mga Pilipino ang mga nagawa ni Koe na itaguyod ang tama na may kaakibat na dignidad.