Bugbog-sarado ang isang Filipina matapos mauwi sa labanan ang pakiki­pagtalo nito sa isang empleyado ng McDo­nald’s sa Las Vegas, Nevada.

Ang insidente ay nakunan sa video ng isa pang Pinay na si Marie Dayag.

Sa naturang video na na­ging viral sa social media, makikita munang binuhusan ng softdrink ng 24-anyos na si Sabrinah Fontejar ang kaedad niyang empleyado ng McDo na si Erika Chavolla.

Doon na nagsimula ang upakan ng dalawa, pero dahil sa matangkad at may kabi­gatan si Chavolla, nakalusot ang mga suntok nito sa mukha ng Pinay.

Nagawang sabunutan ni Chavolla si Fontelar at ibina­libag sa kabilang mesa at bumuyangyang din ang kanyang dibdib matapos na bumaba ang suot niyang itim na tube dress.

Ayon kay Fontelar, siya pa ang kinasuhan ng assault sa insidente.

Sa interview naman ng New York Post, inamin ni Chavolla na napikon siya kay Fontelar dahil “she was talking a lot of smack for a long time.”