Minasaker ng Philippines­ ang Northern Mariana Islands, 13-0, para ilista ang second straight win at solohin ang Group B lead sa AFC (Asian Football Confe­deration) U-16 Women’s Championship Qualifiers Martes ng gabi sa Luneng Football School sa Weifang, China.

Walang awang pinaulanan ng Filipinas ng goals ang NMI, pinakamarami ang tatlong naipasok ni Teejanee Isulat (13’, 32’ at 63’ minutes) na lahat galing sa hat trick, may dalawa si Denise Graellos (1’, 2’) para sundan ang 2-0 demolisyon sa India noong Linggo.

Ang iba pang mga nagdeliber ay sina Caitlin Levasseur (6’), Maeva Collatos (18’), Hannah Villasin (33’), Glynnes dela Cruz (43’), Graellos’ twin sister Danezza (47’), Isabella Mahoney (54’), Stacey Ann Arthur (80’) at Regine Rebosura (84’).

Natikman ng NMI ang back-to-back defeats.

Ang PHL XI ay nakaipon na ng six points na may malayong +15 goal difference para sa top spot sa group, abante sa may three points na Korea na 13-0 winner din sa Malaysia sa isa pang sultada.

Nakapila pang oposisyon sa mga Pinay ang Korea sa Sabado at Malaysia sa Lunes.