Isang Pinay na domestic worker sa Hong Kong ang naka-quarantine matapos na ma-expose sa mga bisita ng kanyang amo na nagpositibo sa novel coronavirus.
Ayon sa Philippine consulate sa Hong Kong, wala namang nakitang senyales ng virus sa nasabing Pinay, at nasa maayos ang kalusugan nito.
“Given Hong Kong’s strict protocols and heightened emergency alert, even healthy individuals may be subjected to quarantine procedures if there is proof of contact,” ayon sa PH consulate sa Hong Kong.
“Rest assured that the PCG (Philippine Consulate General) is in close contact with the HK Department of Health and will monitor her condition [and] render necessary assistance.”
Inaasahan na makakaalis din sa quarantine ang Pinay kapag nanatiling masigla ito.
Mayroong 238,000 Pinoy sa Hong Kong, 219,000 dito ay mga manggagawa habang ang natitira ay mga permanent resident. (Ray Mark Patriarca)