Tampok ang ating Filipina superhero sa darating na Marvel series na “War of the Realms: Agents of Atlas #1” ­ngayong Mayo.

Inanunsiyo ng mismong comic book writer na si Grek Pak ang balita sa kanyang Twitter account.

Aniya, “Remember when we said we were introducing a new Filipino superhero to the Marvel Universe in WAR OF THE REALMS: AGENTS OF ATLAS #1?”

Ibinahagi rin niya sa Twitter post ang sketch ng bagong Filipina hero na si “Wave”.

“She’ll appear for the first time in WAR OF THE REALMS: NEW AGENTS OF ATLAS #1 in May, with art by Gang-Hyuk Lim,” ani Pak.

Ang bagong hero ay idinesenyo ni Leinil Yu na kinulayan naman ni Sunny Gho. Makakasama ni Wave ang iba pang Marvel superheroes gaya nina Aero at Swordmaster ng China.