Kinapos sa battle for fifth ang Philippine wo­men’s team, yumuko sa tatlong sets sa Chinese-Taipei 19-25, 20-25, 19-25 kahapon sa classification phase ng 19th AVC Asian Women’s Senior Championship sa Alonte Sports Arena.

Kahit fifth place na lang ang pinaglalaba­nan, may halong panghihinayang ang Pinay ­netters lalo na kay volleyball superstar Alyssa Valdez.

“Nandun yung panghihinayang, but andito na tayo, we have to accept the loss and move forward,” ani Valdez na tumikada ng 13 points para sa Pinas.

Kumana si Wu Wei-Hua ng 14 points, nag-ambag sina Hsiao Hsiang-Ling at skipper­ Chen Wan-Ting ng tig-nine points para sa Taiwa­nese na haharapin ang Vietnam sa final classification round para sa No. 5 ngayong araw.

“Gusto natin manalo pero kinapos lang talaga tayo. It’s always a learning experience for the team,” dagdag ni Valdez.

Makakalaban ng Fili­pinas sa battle for se­venth ang tumalo sa kanila ­sa group stage na Kazakhstan.

Bumakas si Jaja Santiago ng 10 markers, may eight si Ces ­Molina at tig-seven sina Aiza Maizo-Pontillas at Maika Ortiz.