Na-split ng Philippines ang two matches sa opening kahapon ng XII ISF Junior Women’s World Softball Championship 2017 sa Eddie C. Moore Complex sa Clearwater City, Florida, USA.

Buena-mano ng 17th-ranked Junior Blu Girls ang 10-3 upset win sa No. 12 Italy sa umaga, pero yumukod sa second game kontra No. 9 Taiwan, 13-0 sa Section A kinahapunan.

Next assignment ng Filipinas ang 20th seed Guatemala sa 19-and-under fast pitch event.

May 26 na bansa ang kalahok sa isang linggong torneo.

Hot start ang Jr. Blu Girls kontra Italians, naka-tag ng 13 hits nang makamaneho si Elsie dela Torre ng two RBIs at one run sa 2-for-4 clip at humambalos si Juliet Omul habang may two runners sa plate sa kanyang 2-for-4.

Nakuha ni Royevel Palma ang panalo sa pitch na four-hitter at binigo ang three batters na kaharap bukod pa sa sinuko lang na one run sa 4.2 innings.

Pagsapit ng second game, hindi nakaporma ang Pinay softbelles sa madulas na Taiwanese, nagpaputok agad ng six runs sa second at nagdagdag ng two at five sa fourth at fifth para lumayo ng milya-milya.