Ping, Bato payag sa divorce basta one time lang

Ping, Bato payag sa divorce basta one time lang

Tinutulak ngayon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukalang g­awing isang beses lang ang diborsiyo sa bansa.

“Divorce bill: I will propose as an amendment – “once in a lifetime” divorce. You err once, make amends; you err twice, you deserve to suffer,” sabi ni Lacson.

Hindi nagbigay ng detalye si Lacson sa kanyang panukala subalit nagpahayag naman ng suporta dito si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

“Nag-usap kami ni Senator Lacson, papayag daw sya sa divorce basta isang beses lang daw. Wala nang second divorce, wala ng third, fourth divorce,” pahayag ni Dela Rosa panayam kahapon sa Senado.

Sa akin parang ok yun, susuportahan ko yung plano ni Senator Lacson na ganun nga , isang beses ka lang dahil kung magpa divorce ka pang pangalawa,” dagdag pa nito.

Naunang nagpahayag ng pagtutol si Dela Rosa sa panukalang divorce dahil ang mga bata diumano ang labis na maaapektuhan ng paghihiwalay ng mag-asawa.
“Ayaw ko talaga, mga bata kasi magsa suffer. Yung traumatic experience ng mga bata na hiwalay ang parents, ayaw ko amramdaman ng mga kabataan nito,” sabi ni Dela Rosa.

“Pero itong sinabi ni Sen. Lacson beneficial ito sa lahat ng parties concerned, isang beses lang,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)