Pingris, Yao adik sa eSports

level-up-lito-oredo

Isang papaangat at kinagigiliwan sa buong mundo na bagong laro ang kinahuhumalingan ng mga popular na personahe tulad nina Yao Ming ng dating Houston Rockets, Xander Woods na isang World Wrestling Entertainment superstar, Rick Fox ng Los Angeles Lakers at Mark Pingris ng Magnolia Hotshots.

Sina Yao, Woods, Fox at Pingris ay kapwa nahihilig sa pina­kabagong electronic sports o eSports.

Gayunman, hindi lang ang apat na popular na personahe ang kasalukuyang lubhang nahuhumaling sa eSports. Marami pang kapwa nila sports personality ang nalilinya na rin sa paglalaro sa web o internet na unti-unti na kinikilala upang maging isang opisyal na sport.

Si Yao ay madalas na bumibisita sa pinagganapang lugar ng electronic sports noong 2018 Indonesia Asian Games kung saan hindi nito pinalagpas na hindi mapanood ang lahat ng mga laro na pinag­labanan sa kada-apat na taong multi-sport meet na sinali bilang demonstration sports, ang eSports.

Aminado naman si Woods na lubhang kinagigiliwan niya ang paglalaro ng eSports na gumawa ng kanyang sariling alter-ego upang maisali sa mga laro tampok ang wrestling gayundin sa iba pang laro na kanya mismong binuo.

Una naman na sinasamahan lang ni Fox ang kanyang anak sa pagsali nito sa iba’t ibang mga laro bago niya unti-unti ng kina­giliwan ang mga dinidesenyong mga laro dahil sa dami ng mga kalahok at maraming nanonood sa internasyunal na kompetisyon.

Isang hobby naman ang paglalaro ng electronic games kay Pingris, na madalas ay nasa iba’t ibang applications kapag libre mula sa ensayo at nagpapahi­nga pagkatapos nang mabigat na laro niya sa court.

Ilan lamang sila sa lumalaking populasyon na nahihilig sa eSports, na isa sa matutunghayan na sports sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Abangan po natin ang iba pang mga personahe na ating makikita sa ginagawa halos araw-araw na mga torneo ng ­eSports.