Arestado ang 27-anyos na lalaki matapos nitong pagsasaksakin sa ulo at katawan ang mag-asawa na kamag-anak nito makaraang pilitin umano itong sumama sa kanilang pagsamba sa Mendez, Cavite.
Nasa kritikal na kondisyon ang ginang na si Noralyn Mendoza, 47-anyos, matapos magtamo ng saksak sa ulo at likod, habang nasugatan rin ang mister nito na si Sony Mendoza, 42-anyos, pawang residente ng Brgy. Asis 1, Mendez, Cavite.
Kinilala naman ang suspek na si Vergel Ibarra na pinsan ng mag-asawa at nakatira sa bahay ng mga biktima.
Sa imbestigasyon ng Mendez Police, nabatid na pawang kaanib ang mga biktima ng Iglesia ni Kristo. Sinabihan umano ni Sonny ang suspek na magbihis na para sumabay sa kanilang pagsamba dakong alas-7:30 ÂMiyerkoles ng gabi.
Sumunod naman umano ang suspek subalit nagpalit muli ito ng damit saka pumunta sa kusina para kumuha ng patalim at itinarak kay Noralyn.
Tinangkang awatin ni Sonny si Ibarra subalit siya naman ang binalingan at sinaksak sa kaliwang Âbalikat.