Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na isa sa magiging epekto kapag naging batas ang rice tariffication ay hindi na makakapagbenta ng murang bigas ang National Food Authority (NFA).

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang titiyak na maipagpapatuloy ng NFA ang serbisyo sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbebenta ng murang bigas.

“The President will ensure that even with the tariffication of rice and liberalization of the industry, the NFA shall continue to provide the public, particularly the less fortunate, with rice that is affordable and safe,” ani Nograles.

Pasado na sa Kongreso ang rice tarffication bill na magi­ging daan ng liberalisasyon sa pag-aangkat ng bigas subalit hindi makokompromiso ang mga lokal na magsasaka.