Hinikayat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang mga magsasaka na lumapit sa kanilang congressman upang mapondohan ang solar powered irrigation system (SPIS) ng kanyang kagawaran.

Sa Facebook post ni Piñol, binanggit nitong kailangang itong gawin dahil hindi nakikita ng mga kongresista ang magagawa ng SPIS para mapayabong ang ani ng mga magsasaka.

Kung nakagawa ang DA ng mahigit 100 units ng SPIS noong 2017 at 2018, 11 units lang ang magagawa ng DA dahil ito lamang ang nasa budget nito sa 2019.

Sabi ni Piñol, kailangan lamang ng P120,000 kada hektarya para makabuo ng isang SPIS samantalang nasa P450,000 ang gastos ng National Irrigation Administration kada hektarya para sa patubig nito.

“Farmers should convince their Congressmen to get funding for SPIS in their districts,” dagdag ni Piñol.

Tinanong ng Abante si Bobby Capco sa opisina ni Piñol kung ito ay matutu­ring na pamumulitika pero wala pa siyang sagot as of press time.