Pinoy 3×3 palalakasin — Mascariñas

Muntik nang sumampa ang Philippine Team sa susunod na round ng 2018 FIBA 3X3 World Cup kaya naman mas paiigtingin pa ang programa sa nasabing event.

Nabigong umentra sa susunod na phase pero umani pa rin ng papuri ang mga miyembro na sina RR Pogoy, Stanley Pringle, Troy Rosario at Christian Standhardinger­.

Nirehistro ng Pinoy cagers ang 2-2 karta sa Pool D sa katatapos na 2018 FIBA 3X3 World Cup na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Kaya naman nais ni Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Mascariñas na mag-build ng pool para sa mga 3×3 specialist o mag-organize ng natio­nal league para sa sport.

“There’s no concrete plan right now but what’s important is SBP president Al Panlilio and ED Sonny Barios are serious in forming a full time 3×3 team and organizing a sustainable 3×3 tournament nationwide,” hayag ni Mascariñas sa naganap na Chooks-to-Go Thanksgiving Celebration kamakawala sa Holiday Inn sa Ortigas.

“What we learned from FIBA during the tournament is that ‘yung outright qualification can be done if we organize these tournaments and register it sa FIBA 3×3. If we can do that, we have a chance to gain outright qualification.”

Binulaga ng Philippine Team ang No. 6 na Brazil, 15-7 sa kanilang unang laro subalit nabi­go sila sa Mongolia, 17-21 at Canada, 19-20 sa kanilang pangalawa at pangatlong laro.

Kahit wala nang pag-asa ipinakita pa rin nina Pringle, Pogoy Rosario at Standhardinger ang kanilang tikas, ni­lampaso nila ang seed No. 3 na Russia, 19-12.