Pinoy boxers 3-for-3 sa Bohol

Nawalis nina Mark Magsayo, Albert Pagara­ at Jeo Santisima ang mga banyagang karibal­ sa Pinoy Pride 43 nitong Sabado sa Bohol Wisdom Gymnasium sa Tagbilaran City.

Nakipagbugbugan ang hometown boxer na si Magsayo sa mati­bay na si Shota Haya­shi ng bago naitakbo ang unanimous decision win at mapanatili­ ang kanyang WBO international featherweight title.

Sinabi ng handler niyang ALA Promotions na sa pagsikwat ng 18th win, hahamunin na ni Magsayo si WBO feather­weight champ Oscar Valdez ng Mexico.

Paspasan namang dinismantel ni Pagara­ si Mohammed Kambuluta ng Tanzania sa se­cond ng 10-round non-title super bantamweight bout para umakyat ang pro ring record niya sa 29-1 win-loss.

Mabilis ding pinatu­log ni Santisima si Ki Chang Kim ng Indonesia sa first round ng kanilang junior bantamweight fight para sa 15-0 mark niya.