Pinoy chessers bumuwelta sa India

Naka-3-of-4 kamakalawa ang Team Philippines sa Round 2 ng 55th World Junior Open (Boys) and 34th Girls Chess Championships 2016 sa  Sports Complex ng KIIT University sa Bhubanesbar, Odisha, India.

Iniskor ni ninth seed Woman International Master Janelle Mae Frayna ang second straight win sa pagtumba kay 26th seed W Candidate Master Saina Salonika ng host country India para maka-2.0 points at makasama sa siyam sa pagtatrangka sa 57 kalahok.

Dinaig din ng Bicolana woodpsuher sa opening round noong Lunes si 37th seed Woman FIDE Master Visanescu Daria-Ioana ng Romania.

Nakataya sa under-20, 13-round, 15-day woodpushfest na aabutin sa Aug. 22 ang trophies, medals, cash, Grandmaster, Woman GM, IM, WIM, FM at WFMs titles at norms.

Bumuwelo mula sa draw sa opener kay 66th untitled Thogersen Rasmus ng Denmark si 26th seed IM Paulo Bersamina sa pagdispatsa kay 64th seed Tag Taalabekov ng Kyrgyzstan para sa 1.5 points at makihilera sa 11th-29th spots sa 80 participants.

Nakabwelta rin si 71st seed Pul Robert Evangelista sa kabiguan kay 31st seed Yuan Qingyu ng China sa pagsilat kay 46th seed Indian Kalyan Arjun para makihanay sa 30th-54th na may 1.0 point.