Sumalo sina Pinoy woodpushers Grandmaster John Paul Gomez at International Master Jan Emmanuel Garcia sa 13-way tie sa third spot matapos ang round three ng 7th HDBank Cup International Open Chess 2017 sa Vietnam kahapon.
Kinalos ni No. 21 seed Gomez (elo 2481) si WGM Swati Ghate ng India sa 34 moves ng Nimzo-Indian para ilista ang 2.5 points mula sa dalawang panalo at isang draw.
Sumikwat ng kalahating puntos si Garcia kay No. 3 seed Super GM Bu Xiangzhi ng China sa 53 moves ng Slav.
Magkasalo sa top spot sina GM Wang Hao ng China at Tran Tuan Minh ng Vietnam sa malinis na tigatlong panalo sa nine-round Swiss system event.
Sa round four maaaring isa lang kina Gomez at Garcia ang makakaungos dahil sila ang magkatapat.
Wagi sina FM Narquinden Reyes at Edmundo Gatus kina FM Andyka Pitra ng Indonesia at IM Vasilyev Mikhail ng Ukraine.
Draw ang laban nina GM Eugene Torre, GM Rogelio Antonio at Hamed Nouri.