Pinoy community sa Hong Kong COVID-19 free na – DFA

Masayang binalita ni Department of Foreign Affairs (DFA) undersecretary Dodo Dulay na wala nang coronavirus disease (COVID-19) sa komunidad ng mga Pilipino sa Hong Kong.

“HK PCG reports that the Filipino community in Hong Kong is now officially Covid-free!!,” ayon sa tweet ni Dodo Dulay kahapon.

Dagdag niya, sa ulat umano mula sa Hong Kong Philippine Consulate General, ang mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 ay nakalabas na sa ospital.