Dumating na kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga labi ng mag-asawang overseas Filipino worker (OFW) na namatay makaraang malunod sa isang resort sa Maldives kamakailan kung saan sila nag-honeymoon.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang dumating ang mga labi ng mag-asawang­ Leomer at Erika Joyce Lagradilla sakay ng Etihad Airways flight EY 424 at pansamantalang inilagak sa PAIR PAGGS cargo house na malapit sa NAIA Terminal 1.

Sinalubong ang kanilang mga labi ng mga kaanak gayundin ng mga opisyal at kawani ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration.

Nabatid na ibuburol ang mag-asawa sa bayan ni Erika sa Sta. Cruz, Laguna at pagkatapos ng isang linggo ay sa bayan naman ni Leomer. ­