Nasikwat ni Filipino Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang bronze sa junior men’s artistic gymnastics (MAG) individual all-around sa ongoing Mikhail Voronin Cup sa sub-zero Moscow, Russia.
Big deal makamedalya sa MAG dahil nangangahulugang competitive ang isang gymnast sa lahat ng anim na events na kinabibilangan ng floor, pommel horse, still rings, vault, parallel bars at high bars.
Isa ang 16-year-old at former Palarong Pambansa standout sa 16 na napiling IOC (International Olympic Committee) Olympic scholars na may misyong mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics. Si Yulo lang ang gymnast sa grupo.
Nagti-training sa Japan sapul noong May, nilalabanan din ni Yulo ang homesickness at nakatakda pang makipagbuno kahapon para sa MAG individual event finals.
Ikinatuwa ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion-Norton ang impresibong kampanya ng Pinoy na aniya’y bunga ng inilatag nilang long-term program sa pakikipagtulungan ng foreign coaches mula sa Romania at Japan na nagtuturo sa local coaches at athletes.