ROMMEL PLACENTE: Nakakalungkot namang malaman na wala pang Pinoy movie­ na ipinalabas simula nu’ng January hanggang ngayong February ang kumita sa takilya.

Una na ngang ipinala­bas nu’ng January 16 ang nagsilbing launching movie nina Elisse Joson at McCoy de Leon titled Sakaling Maging Tayo, pero ayun nga, sumemplang ito sa takilya. Nu’ng January 30, ay sabay-sabay namang nagbukas sa mga sinehan ang tatlong pelikula, ang “Ang Sikreto Ng Piso” na pinagbidahan ng mag-asawang Gelli de Bellen at Ariel­ Rivera, ‘Tol na bida sina Arjo Atayde, Joross Gamboa at Ketchup Eusebio at Bato: The General­ Ronald dela Rosa Story, na si Robin Padilla ang bida, pero lahat ng ito ay hindi sinuwerte sa takil­ya. Nu’ng February 6 ay sabay namang ipinalabas ang Hangang Kailan, nina Xian Lim at Louise delos Reyes at Elisse na lead star si Janine Guttierez, opposite Enchong Dee, pero ‘di rin maganda ang resulta sa takilya.

Patay na nga ba ang movie industry mga Ka-Cuatros? Bakit ayaw nang manood ng mga Pinoy ng Pilipino movie at mas gusto pa nilang panoorin ang mga foreign film? Oo nga’t mahal ang bayad ngayon sa mga sinehan, na ‘yung iba, iniisip nila na kesa gumastos sila sa panonood ng pelikula ay ibili na lang nila nang makakain o gamitin sa mga panga­ngailangan sa kanilang bahay. May epekto rin ba ang pagkagumon ngayon ng mga tao sa Netflix.

Pero bakit nagagawa pa rin nilang tangkilikin ang mga pelikulang gawa sa ibang bansa kesa panoorin ang sariling atin? Ano nga ba ang mali sa ­ating movie industry?

MILDRED BACUD: Tama ka friend Rommel. Nagpahayag nga ng pagkadismaya ang producer/­director na si Erik Matti at humihingi ng tulong sa pamahalaan. Sa nakaraang tatlong taon ay ma­rami raw pelikula ang nagawa pero iilan lamang ang tinangkilik. Kahit daw ang nakaraang MMFF na sinasabing hit ay mahina sa kabuuan kumpara sa mga nakaraang entries. Naku 13 films pa naman ang nakatakdang gawin ng Reality Films ni direk Erik this year.

Naniniwala ako na unti-unti na ring pinapa­tay ng digital platforms ang movie industry. Nawawalan ng interes ang viewers dahil sa mahal na rin ng sine.

Bilang nasa showbiz din mga ka-Cuatros sad talaga ito.

Pili na lang din talaga ang mga pelikulang papatok tulad ng naabot ng mga movies nina Vice Ganda, KathNiel. Tingnan din ang bagong movie ng LizQuen kung papatok?

RODEL FERNANDO: Hindi maganda ang ganitong nangyayari ngayon sa pelikulang Pi­lipino. Ilang pelikulang lokal na ang ipinalabas sa pagpasok ng 2019 ay wala man lang kumita. Ma­rami tuloy ang na­ngangamba at baka ‘yung mga susunod na ipalabas ay hindi rin ma­ging maganda ang resulta sa takilya.

Maging ang Regal Entertainment ni Mother Lily ay may panawagan ngayon na tulungan na maibalik sa sinehan ang pelikulang ELISE na nabawasan na ng sinehang pinaglalabasan. Aktibo ngayon ang Regal para iparating sa mga theatre owner at sa kinauukulan na matulu­ngan ang kanilang pelikula. May mga hashtag na #SaveElise #BringBackEliseInCinemas na kumakalat ngayon sa social media.

Sana ang mga pelikulang susunod na ipapala­bas ay maging maganda na ang resulta sa takil­ya. Kung magpapatuloy kasi ang pagsemplang ng mga pelikulang lokal ay baka hindi na mangapital ang mga nagpopro­dyus ng pelikula at tuluyang mamatay na ang Pelikulang Pilipino. Kailangang makialam na ang gobyerno sa suliraning ito. This is not a joke sa totoo lang.

Samantala, nakarating ito sa kaalaman ng Filipino Taekwondo Olym­pian at tumatakbong Vice Mayor ng Makati na si Monsour del Rosario.
“Una naalala ko nun, siguro 18 years ago, nag-start na bumagsak ang film industry – una dahil na rin sa piracy. Yung ilan sa ating­ mga kababayan, syempre sa halip na manuod sa sinehan, bibili na lang sila ng DVD sa mas murang halaga at paulit-ulit pa nilang mapapanood. Kaya ‘di mo rin sila masisi.

“Pangalawa, mataas talaga ang taxes na bina­bayaran ng mga producers.­ So imagine mo, mag-invest ka sa isang pelikula tapos ‘di ka rin sure if maghi-hit. So bumabagsak ang kalidad ng mga pelikula. Dati uso pa yung mga action films pero ngayon wala nang gustong mag-produce gaano kasi mahal— mahal ang magpasabog, mahal magpasara ng kalsada, mahal ang bala at mahal din magbayad ng mga stuntman, kaya nawala na rin ang mga aksyon films. Kaya ngayon halos pare-parehas na lang palabas – puro love-story, drama, comedy. Wala nang varia­tion. ‘Di mo masisi ang mga tao if maghanap sila ng kakaiba.

Dagdag pa niya. “Pa­ngatlo, halos na-monopolize na ng mga malls ang pagpapalabas ng mga sine. Dati may maliliit na independent movie houses. Halimbawa – dito sa isang sinehan puro mga drama, dito naman sa isa, puro mga aksyon o comedy.”

Sinabi pa niya na maraming mga artista ang masyadong mataas magpresyo. Ito naman ang kanyang advice: “Kaila­ngan talagang gumawa ng paraan upang solus­yunan ang mga problema na ito. Bilang mambabatas syempre may mga prio­rity tayo – unang-una para sa ating mga nasasakupan, pero tinitingnan din natin kung anong puwede nating maitulong para ibalik ang sigla ng local film industry.”
RONA AVECILLA: Nakakabahala nga naman mga ka-cuatros. Isang malaking banta ito sa industriya ng pelikula kung magtutuloy-tuloy ang pagtumal nito.

Pero malaki ang paniniwala ko na hindi basta- basta matitinag ang sining­ na ito. Marami pa rin ka­sing pelikulang Pilipino ang pinipilahan lalo na at kung dekalibreng artista ang mga gumaganap.

Mas patok kasi sa panlasang Pinoy ang mga loveteam na subok na gaya ng KathNiel, LizQuen at JoshLia. Nakakatakot lang na baka hindi na tangkilikin nang mga pelikulang hindi aa­ngat sa takilya ng walang loveteam na kasama.

Sana lang ay makita­ ng mga manonood ang halaga ng Pelikulang Pi­lipino at unang tangkilikin bago ang mga ­foreign film.