Pinoy na uuwi sa US-Iran tension makakakuha ng benepisyo — Bello

secretary-silvestre-bello-iii

Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga migranteng ­manggagawang Pinoy sa Iran at Iraq na mapapauwi ­dahil sa pagtaas ng tensyon ng dalawang ­bansa ­kasama ang US ay mabibayayaan ng ­benepisyo sa sandaling umuwi.

Sinabi ni Bello, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay handa para sa anumang posibleng pagpapauwi sa overseas Filipino workers (OFWs) mula sa dalawang bansa sa Gitnang Silangan, at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay magkakaloob ng ayuda.

Aniya walang bilateral agreement ang bansa sa Iran at Iraq kaya walang ­dine-deploy na ligal. Ngunit sa kabila nito ay ­marami pa ring pumupunta na iligal.

Idinagdag pa ng kalihim na nakikipag-ugnayan din ang ahensiya sa DFA kung ­papaano makakatulong sa kanilang mga pangangailangan.
Bukod aniya sa karaniwang mga