Bumubuti na umano ang kalagayan ng Pinoy na positibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD) na sakay ng isang cruise ship na kasalukuyang nakadaong sa Yokohamo Port sa Japan , ayon sa isang ranking diplomat ng Philippine Embassy sa Tokyo.

“The information we have is that the Filipino is responding positively to the treatment. We are in touch with the hospital to get more updates ,” sabi ni Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar sa isang text message.

Ang nasabing Pinoy ay kasama sa 10 katao na lulan ng Diamond Princess cruise ship na nasuring positibo sa coronavirus.

Umakyat na sa 61 ang bilang ng mga pasaharo na coronavirus positive matapos na naunang kumpirmahin na 41 katao ang infected ng virus s sa loob ng barko.

Sa mga bagong kaso ng nCov, 21 ay mga Japanese national at 20 mga dayuhan. Wala umanong Pilipino sa mga ito.

“As of this time, only one Filipino on board the ship has tested positive for the virus , and is now in hospital undergoing treatment,” sabi ng DFA.

Umaabot sa 3,700 ang kabuuang sakay ng barko ayon sa Japan Health Ministry kung saan 538 ay mga Pinoy na karamihan ay mga crew at pasahero.