CALIFORNIA — Malamig na rehas sa Monterey County Jail ang hinihimas ngayon ng isang Pinoy nursing assistant matapos umano nitong molestiyahin ang kanyang pasyente sa isang senior care facility sa Monterey, California.
Nahuli sa akto ng kanyang katrabaho sa Cypress Ridge Care Center ang suspek na si Kelven na nilalamas nito ang maseselang bahagi ng katawan ng isang pasyente
Hindi na nakapagsalita pa si Kelven nang maaktuhan ng katrabaho ang kahalayan nito sa kanilang pasyente.
Agad namang tumawag ng pulis ang pamunuan ng Senior health care facility at agad pinosasan ang nasabing Pinoy na tubong Tongo Siquijor.
Ayon sa Monterey Police Department, sa ngayon ay iniimbestigahan nila kung may iba pang naging biktima si Kelven sa pinagtatrabahuhan nito.
Sexual Battery at elder Abuse ang isinampang kaso laban sa suspek kung saan $30,000 dolyar ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalaayan. (Dave Llavanes Jr.)