Pinoy sa Canada nagbuwis ng buhay sa kaibigan

Isang Pilipino ang nasawi makaraang sagipin nito ang kanyang kaibigan na nalunod sa isang lawa sa Canada.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, nalunod ang hindi pa pinangalanang Pinoy sa Lake Snye sa Fort McMurray, Alberta, Canadao noong Biyernes habang sinasagip ang kanyang kaibigan.

Kaugnay nito, tiniyak ng DFA na kanilang tutulungan ang pamilya ng biktima, sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Calgary, para maiuwi ang mga labi nito.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang Consulate General sa mga awtoridad ng Canada at sa pamilya ng biktima sa Pilipinas para maiuwi ang mga labi nito.