AARIBA na ang bagong talent-reality search ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar mamayang gabi.
Maging ang creator nitong si Simon Cowell ay excited sa Philippine adaptation ng programang nilikha niya kasama si Ricky Martin, ang La Banda.
Si Simon ang nasa likod ng tagumpay ng One Direction at Westlife, kaya masasabing ‘authority’ siya sa pagbuo at pagsikat ng mga boyband.
“I’m so excited La Banda is coming to the Philippines. You are going to love Pinoy Boyband Superstar. Watch it exclusively on ABS-CBN,” pag-iimbita ni Simon.
Makabuo nga kaya tayo ng Pinoy version ng One Direction?
Paano na ang Juan Direction?!
At any rate, bibigyang-pagkakataon sa Pinoy Boyband Superstar ang mga binatang 14 y/o or older na may charm at talento sa pagkanta na matupad ang kani-kanyang pangarap at mapabilang sa isang five-member boyband.
Judges dito sina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino at Aga Muhlach.
Host si Billy Crawford.
Magsisimula ang boyband journey ng contestants sa kanilang pagharap sa 500 na babaeng fans na kailangan nilang pabilibin at pakiligin sa pamamagitan ng kanilang looks, charisma, personality at iba-iba pang gimik.