Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na masaya sa pagpapatuloy ng giyera kontra ilegal na droga ng gobyernong Duterte at sa halip ay dumami ang gustong buhayin ang mga ­nahuhuling sangkot sa ­ilegal na droga.

Ito ang resulta ng isi­nagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa first quarter ng 2017.

Alinsunod sa survey binigyan ng mga Pinoy ng net satisfaction rating na +66 o “very good” ang drug war ng gobyernong Duterte.

Bagama’t very good ay bumagsak ito ng 11 puntos mula sa pinakahuling survey na ginawa noong December 2016 rating na +77 o excellent.

Samantala, 92 porsiyento ng mga Pinoy ay nagsasabing importante sa kanilang ang mga drug suspects ay mahuli nang buhay.

Naitala naman sa 73 percent ang nagpahayag­ ng pagkabahala na maaa­ring sila o kanilang mga kakilala ay maaaring ma­ging isa ring biktima ng extrajudicial killings (EJK).

Ang nasabing bilang ay bahagyang bumaba­ kung ikukumpara sa ­resulta ng survey noong Disyembre 2016.

Sa December 2016 survey ay nasa 94 porsiyento ang gustong makitang buhay ang mga mahuhuli sa drug war habang 78 porsiyento naman ang nagsasabing nag-aalala sila na ma­ging biktima rin ng EJK.

Marami rin sa mga respondents ang duda sa pahayag ng mga awtoridad na nasa likod ng anti-­drug operations na nan­laban ang mga napapatay na drug suspect kung saan ay 24% ang nagsasabing nagsasabi ng totoo ang mga pulis, 31% ay hindi nagsasabi ng totoo at 42 percent ay nagpaha­yag ng pagdududa.

Sa kabila ng pagbaba ng naniniwala sa drug war ng gobyerno ay mas marami pang ­Pinoy o nasa 70% ang naniniwalang seryoso ang Duterte administration sa pagresolba sa drug problem ng bansa.

Ang survey ay isina­gawa ng SWS nitong March 25-28, 2017 sa pamamagitan ng face-to-face interview na nilahukan ng 1,200 Filipinos sa buong bansa na may sampling error margins na +/-3 percent sa national percentage, at +/-6 percent sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.

15 Responses

  1. O bakit wala atang nagreklamo na mga taga human rights dun sa rapist at pumatay ng bata sa Malolos kahapon, na umaming naka droga at nang agaw ng baril sa pulis. Hindi ba dapat binuhay para mabigyan ng pag asa ng makapagbagong buhay.

    1. AY UU NGA, SANA BINUHAY PARA MADAGDAGAN NAMAN KAMING MIYEMRO NG KULTO NI DIGONG O MAKA-DUTERTE NA PURO MGA SIRA ULO NA TULAD MO HEHEHEHE ..HEHEH

      1. TAYUNG MAKA-DUTERTE AY TLAGANG MGA UL0L ..HEHEH
        UL0L KSE AMO NATING MAY SAYAD SA ULO (Guess Who?) HAHAHAHA ..HEHEH (eto sagot: si DIGONG siyempre hehehehe)

      2. UL0L NGA TLAGA TAYUNG MAKA-DUTERTE
        PAHIRAP TAYU SA BAYAN
        PUSA AKO NI DIGONG …NGIYYYYAAAAAWWWWWWWW
        HAHAHAHHAHAHAHAHAHA ..HEHEH

      3. ikaw lang yun! tapos na kasi mg asindikato nyo sa gobyerno phirap kyo sa mga pilipino..aso ng LP at ng mga dilawan.. pinapahirapan angmga sakada na nagbibigay ng ginto at ang kapalit ay kaning mumo.. Aso ka ng LP mg hayop kayo kasama ka ni Trillanes.. ASong Ulol

      4. AY UU NGA, BAGAY SA ATING MAKA-DUTERTE YUN – NA SANA AY IBINAON NILA TAYU NA NAKALITAW ANG SIRA NATING ULO AT IPAKAIN TAYU SA ALAGANG BUWAYA NI DIGONG ..HEHEH