Pinoys ligtas sa coup attempt sa Turkey

turkey-coup

Puspusan ang pagmomonitor ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Turkey para tiyakin ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa naturang bansa kasabay nang nangyayaring destabilisasyon sa nasabing bansa.

Kahapon ay tiniyak ni Philippine Ambassador to Turkey Maria Rowena Sanchez na 24-oras silang nakaalerto para masiguro ang kaligtasan ng nasa 3,500 Pinoy sa Ankara at Instanbul.

Kinumpirma rin ng opisyal na walang nadamay na mga Pilipino at nasa maayos na kalagayan ang mga ito sa kanilang mga trabaho na ang kadalasang uri ng hanapbuhay ay kasambahay na protektado naman daw ng kanilang mga employer.

“All of our kababayans were indoors and safe. They are not going out today and we’re going to wait the si­tuation to further normalize,” pahayag pa ni Sanchez.

Kaugnay nito ay tiniyak ng embassy official na ina­bisuhan na ang ating mga kababayan na manatili muna sa kanilang mga bahay kung saan sila ligtas at hintayin na bu­malik sa normal ang sitwasyon kasunod ng tangkang kudeta.