Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nasa London na mag-ingat matapos ang pinakahuling terror attack na nangyari kamakalawa ng gabi sa London Bridge at Borough Market.

Kasabay nito ay mino-monitor na rin ng DFA ang kondisyon ng mga Filipino sa England dahil sa pinakahuling kaguluhan na nagresulta ng pagkasawi ng 6 na katao at pagkasugat ng 30 iba pa d­ahil sa pananagasa ng isang van sa London Bridge at pananaksak sa Borough Market kung saan tatlong suspek ang napatay ng mga awtoridad.

Ayon sa pahayag ng DFA, inaalam nila kung may nakasamang Filipino sa mga nasawi at ­sugatan sa nangyaring pag-atake.

Kasabay nito, pinayuhan ng DFA ang mga Fili­pino na huwag muna pumunta sa London Bridge, Borough Market at Vauxhall area sa posibilidad na muling maulit ang insidente ng karahasan sa mga naturang lugar.