Pinoys sa US mahigpit na mino-monitor sa Hurricane Irma — Andanar

Walang dapat na ipa­ngamba ang mga Pilipinong­ may kamag-anak sa Estados Unidos na hinaha­gupit ng Hurricane Irma partikular na sa Florida.

Ayon kay Communications Office Secretary Martin Andanar, patuloy ang mahigpit na ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Konsulado ng Pilipinas sa Amerika.

Sinabi ni Andanar na batay sa huling pakikipag-ugnayan sa konsulada, on top of the situation naman sila at natutugunan ang kailangan ng mga Filipino immigrants.

Dagdag pa ni Andanar, laging naka-monitor ang Palasyo sa kaganapan sa Estados Unidos habang tuloy-tuloy din ang ugnayan nila sa DFA na palagi ring nangungumusta sa Hono­rary Consulate sa Miami.

Base sa huling report, napag-alamang umabot pa sa category 5 ang lakas ng Hurricane Irma kung saan umabot sa 36 na milyong indibidwal ang isinailalim sa alerto.

Kaugnay nito ay kinumpirma ng Malacañang na matamang mino-monitor ang kondisyon ng mga kababayan na maaa­ring maapektuhan ng Hurricane Irma sa Amerika.

“We are closely monitoring the condition of our kababayans that may be affected by Hurricane Irma. The Philippine embassy in Washington, D.C. has already advised the close to 200,000 members of the Filipino Community in Florida, Georgia and South Carolina to comply with the evacuation orders issued by authorities,” paghahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.