Pinsala ng Taal pumalo sa P3.4B

Umaabot na sa P3.4 bilyon ang pinsala sa agrikultura at mga imprastraktura ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa inilabas na pahayag ng ahensya nitong Biyernes, nabatid na ang nasabing pinsala ay mula sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite at Laguna
Samantala, umabot na sa 133,696 pamilya o kabuuang 501,908 katao ang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal mula sa Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.

Nakataas pa rin sa alert level 3 ang Bulkang Taal, ayon pa sa NDRRMC. (Edwin Ba­lasa)