Dinakma ng mga awtoridad ang pinsan at tumatayong bodyguard ng isang napatay na drug lord sa isang operasyon sa Matnog, Sorsogon.
Iprinisinta sa media ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang suspek na si Reynaldo Diaz na kilala sa pangalang James Tan, na sinasabing humalili sa iligal na operasyon nito nang mapatay ang pinsan na si Jeffrey Autumn Diaz, alyas Jaguar.
Si Diaz ay inaresto sa bisa ng arrest warrants sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at dalawang kaso ng frustrated murder.
Napatay si Diaz, na isang top drug lord sa Central Visayas sa isang shootout sa Las PiƱas City noong Hunyo.