Pinsan todas sa baril sa GenSan

gunman-shooting

Hawak na ng Department of Social Welfare and Development sa General Santos City ang 16-anyos na lalaking nakabaril at nakapatay sa 14-anyos na pinsan nito.

Ayon kay Chief Insp. Jover Antonio ng San Isidro Police Station, kusang sumuko sa pulisya ang suspek at kanyang inamin ang insidenteng nangyari sa barangay Conel.

Batay sa paunang pagsisiyasat, pinaglaruan umano ng magpinsan ang baril na ‘señorita’ na aksidenteng pumutok at natamaan ang ulo ng 14-anyos na biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Sinasabing nagbabantay umano ng piggery ang magpinsan nang iwan ng isang alyas ‘Bahal’ ang baril sa dalawa na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.