Sa wakas ay nakita na rin ni Robin Padilla ang kanyang bunsong anak na si Gabriella at nakapiling na rin niya ulit ang kanyang mag-iina. Dumating na mula sa Amerika ang misis niyang si Mariel Rodriguez in time for the Holiday season.

Umalis ang TV host na dalawa lang sila ni Isabela (their eldest daughter) at dumating itong tatlo na sila. Matatandaang sa Amerika ipinanganak ni Mariel ang kanilang bunsong anak ni Robin last November.

Sa Instagram account ni Mariel ay ipinost niya ang mga larawan at short clip ng pagkikita nina Binoe at Gabriella. Makikita sa mga photo na karga-karga ng action star ang bunsong anak, ang mahigpit nilang pagyayakap na mag-asawa nang magkita at ang reunion nila bilang isang buong pamilya.

“WE ARE HOME!!!!! after 3 months… my family is finally WHOLE!!! home will always be with you @robinhoodpadilla thank you so much for allowing me to do this for our children it was only possible because of you and your support. We missed you sooooo much!!!

“Sharing with all of you at 9pm on my YouTube channel Gabriela’s first meeting with her dad and also how Isabella reunited with her father!!! moments worth sharing!!! Link will be on my bio!!!” ang caption ni Mariel.

Pero ang naaliw kami talaga ay ang pagpatol ni Mariel sa kanyang basher na nagkomentong “pangit” siya ‘pag walang makeup.

“Grabe nanay n nanay n look ni Mariel ang pangit mo pla pg wla k make up,” komento ng basher na ini-screenshot ni Mariel at ipinost sa kanyang IG Story.

Narito naman ang sagot ng TV host:

“I happen to be very confident with how I look. I don’t need to wear make up when I’m on a 24hour flight because I know I am not butt ugly! YOU are UGLY.”

Hahaha!

Lolit bugbog-sarado sa mga fan ni Janine

Bihirang pumatol ang veteran columnist/talent manager sa bashers at kadalasan ay tinatawanan lang niya ito. Pero this time, talagang napa-react siya nang bonggang-bongga sa katakot-takot na bashings na natanggap niya dahil lang sa ipinagtanggol niya ang anak-anakang si Sen. Bong Revilla sa negative comment ni Janine Gutierrez.

Ayon kay Nay Lolit, bugbog-sarado siya sa mga basher to the point na ang iba’y wini-wish pa na ma-dead na siya.

“Amazing. Bongga ang tinanggap kong bashing. Bugbog-sarado ako. Inisip ko nga kung fans ni Janine Gutierrez ang mga bashers ko, nanunood kaya sila ng pelikula at show ni Janine?

“Naalala ko kasi iyon threat noon na boycott kay Alden Richards, pero number one pinakamalakas na pelikula ang ginawa nila ni Kathryn Bernardo.

“Bongga din ang sama ng mga ginagamit nilang salita, Wow na wow talaga. Lumaki ako sa squatter area ng Sampaloc but never naging ganun kabastos ang panulat ko, kahit na pinupuna ko at galit ako, never kong ginamit ang mga ganung salita.

“Meron pa nagsasabi, mamatay na ako ganun? Magiging maganda ba buhay nila kung dead ako? Hah hah. Meron naman sabi ng sabi mukha akong pera, sinasamba ko pera, mabait lang ako pag may binigay sa akin. Bakit binigyan kaya niya ako? Nanghingi ba ako sa kanya? Meron kaya siyang pambigay?

“Kasi in my knowledge people who keep on complaining at meron ganitong galit sa puso are those discontented, unhappy, gutom, at siguro walang magawa.

“How can you teach what you don’t know? Konti issue para bang iyon na ang mundo mo para magalit ka ng ganun at gumamit ng ganun kabastos na mga salita,” ang bahagi ng post ni Nay Lolit.

Dagdag pang mensahe niya sa mga basher, “Pathetic losers. Waste of time. Have a life. Sabi nyo ako ang bully, eh ako ang gusto nyo i-bully noh, kalokah kayo hah hah hah.”

Dennis-Jennylyn nakipag-bonding kay Yorme

Nakakatuwa ang pagsuporta sa isa’t isa nina Manila Mayor Isko Moreno, Coco Martin at Jennylyn Mercado. As we all know ay may cameo role si Yorme sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” na pinagbibidahan ng Kapuso Ultimate Star at Kapamilya Primetime King.

Tila naging close ang tatlo during the filming dahil even after the shooting ay nagkikita-kita pa rin sila.

Kamakailan ay binisita ni Jennylyn at boyfriend na si Dennis Trillo si Yorme sa office nito sa Manila City Hall at pagkatapos ay nag-bonding sila sa isang restaurant sa Maynila.

Ininterbyu ni Jen and Dennis si Yorme para sa YouTube vlog ng magdyowa kung saan ay napakaraming bagay nilang napag-usapan.

Kaya naman after the interview ay nag-post ng pasasalamat si Jen para sa alkalde.

“Maraming Salamat din po Yorme sa pagbigay samin ng pahintulot na kumanta at magperform sa Lungsod ninyo. Hilig po talaga naman yan.

“Sa uulitin po!” ang post ni Jen sa kanyang Facebook.

Kahapon ay si Coco naman ang nakitang kasama si Yorme sa isang motorcade para libutin ang buong Maynila to promote “3Pol Trobol”. Nakakatuwa na sa kabila ng busy schedule ng alkalde ay may time pa rin siya talaga na tulungan si Coco para mag-promote.