Pinto, mga bangko enerhiya ng Meralco

Pinto, mga bangko enerhiya ng Meralco

Finals Game 3 ngayon:
(Smart Araneta ­Coliseum)
6:30pm — Meralco vs. Ginebra

Naghanap ng produksiyon mula sa bench si Norman Black nang matalo ang Meralco sa Ginebra 91-87 sa Game 1 ng PBA Governors Cup Finals.

Natupad ang kanyang wish sa Game 2 noong ­Biyernes sa Lucena City.

Tumugon ang reserves ni Black at binawian ng Bolts ang Gin Kings 104-102.

Si John Pinto ang magic bunot ni Black, maagang nag-init nang kumana ng 4 for 5 mula 3-point range sa first quarter nang ipalit kay Baser Amer na maaga ring binagabag ng foul.

Nahawa sa kanya sina Allen Durham at Amer na umangas din sa labas ng arc.

Mula sa anemic na 6-point production sa ­opener, bumalikwas ang reserves ng Bolts at nag-deliver ng 29 kontra 12 ng Ginebra.

“Nard Pinto was a reve­lation in the first half, he was scoring the basketball for us,” sabi ni Meralco coach ­Norman Black. (Vladi Eduarte)