Tila napipikon na ang Liberal Party (LP) kay Justice Sec. Vitaliano Aquirre sa paulit-ulit na pagdawit sa mga taga-LP sa bawat isyu at eskandalong kinasasangkutan ng Duterte administration.

Huling banat ni Aguirre ang bintang na sangkot ang mga taga-LP at mga kaalyado ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagpa-plano ng kaguluhan sa Marawi City.

“This is pure nonsense and this is the nth time Secretary Aguirre has come up with baseless accusations linking the Liberal Party to destabilitzaiton efforts,” ayon kay LP President at Senador Francis “Kiko “Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na kahit noong nagbigay ng briefing ang mga security officials sa senado kaugnay sa Marawi incident ay mismong si Defense Sec. Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon ang nagsabing walang kinalaman ang LP o oposisyon sa Marawi Siege.

“During our Senate briefing on the situation in Marawi, we asked Sec Lorenzana and Esperon point blank if they had intelligence information linking LP or the opposition to the Marawi incident and both denied having any such information,” paglilinaw ni Pangilinan.

Maging si DTI Sec. Mon Lopez ay nilinaw na rin umano ang pagtungo ni LP Senador Bam Aquino sa Marawi bago ang insidente ay para dumalo sa DTI GoNegosyo event.

Dahil dito, ayon sa senador malinaw na walang basehan ang mga alegasyon ng kalihim.

Dapat umanong alalahanin ni Aquirre na bawat kasinungalingan at pagbibintang na walang basehan ay malaking kasiraan sa kanyang kredibilidad.

“Every false accusation Aguirre makes against the LP results in further damage to his credibility. It is another attempt at deflecting the issue from the unresolved scandals facing his office,” giit ni Pangilinan.