tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
May clamor talaga? Asan? Isang malaking pralala with so many charots ang dramang nagkita lang sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa isang pagtitipon, may paandar na may pag-iingay na panahon na para magsama muli sa isang proyekto ang dalawa.

 

Buhay pa ang the late, great entertainment icon at dating ma­nager ni Santos, si Alfie Lorenzo, may kiyemeng clamor na ganyan na and it was quashed like a pestering fly ni Tito Alfie. Hindi kailangan ni Juday si Pascual para bumulaklak at bumongga ang karera nito. Si Papa P ang mas may kailangan sa tunay na Mrs. Agoncillo.

 

Si Pascual, ang kanyang pakikipagtambalan sa last Philippine movie queen, napakalaking pakinabang ang kanyang tinamo. At nu’ng fee­ling na niya “superstar” na siya, he dropped Santos like a hot potato, iyan ang mga sabi-sabi sa mga urban legend.

 

 

Ngayong Jericho Rosales is so up there, may Carlo Aquino pa na who is also up there, at may Daniel Padilla pa na who is at the apex of kasikatan amongst the male Kapamil­yas, gustong patunayan ni Papa P na he is still in the top one percent kaya ayan, super float na naman ang paandar na ang pagtatambal with Judy Ann is a natural progression of his career.

 

Kasi nga, neither here nor there na ang kanyang stature­ kaya ayan, may ganiyang pakulo. Heaven forbid na “Gamitan” ang magiging title ng pelikula nila ni Mrs. Agoncillo kung mangyayari man. Hahahaha!

 

Judy Ann Santos and her career planners know better. Hindi nila kailangan si Piolo Pascual para sa reinvention at rejuvenation of her karera. At she has learned her lessons well, lalo na ‘pag si Papa P ang concerned.

Paolo-Siopao wagas ang lambingan

Ang millennial Nora Aunor, si Queen Bayot Vice Ganda, go for gold talaga ang pagmamaganda kasi nga, he has found his match, si Calvin Abueva. Ang kanilang bromosexual relasyon, pangmalakasan, hindi ba naman!
On the other side of the equation, ang millennial Vilma Santos, the Other Queen P, Paolo Ballesteros, naghuhumayskul sa kanyang mga posting patungkol sa kanyang iniirog, si Kenneth Gabriel Concepcion.

 

Kung ang papa can you hear me ni Ganda ay bulaklak ang inihatag sa kanyang kaibigan, ang papa don’t preach naman ni Ballesteros, heart emojis naman ang mga dramarama sa Facebook.

 

May recent posting sa FB ang ka-close ni Paolo at ang reaksyon niya dito, “(heart emoji) u siopao” o “love you siopao.”

 

Ang hombre of affection ng Transformation Queen, ang pagpatol, “(heart emoji) u too” o “love you too.” Yes oh yes, Siopao ang term of endearment ni Paolo para sa kanyang Kenneth Gabriel.

 

Siyempre pa, ‘pag may naglalambingan, may kinikilig. May mapangahas na komento ang isang follower na parang manghahalik si Concepcion sa selfie pic.

 

Lumantod naman ang Baklash segment host na sa ngayon ay si Maruya Carey ang ginagaya, “isipin ko na lang for me.”

 

Babae much, Paolo B., ayaw ni Ate Vi na masyadong halata ang kilig. Hahahaha!

 

May posting din si Kenneth, ‘yung usong-uso ngayon na may male at female version ang isang nilalang. As expected, patol ang Ballesteros, “ampogi at ang ganda naman ng siopao ko!”

 

 

Magsasabayang bigkas na ba tayo na in the “Sabel, this must be love” zone na nga talaga ang one-third of the JoWaPao trio? Ito na nga kaya ang kanyang new forever, at maaaring maging happily ever after kaya hindi na siya natatakot, at mas lalong matapang na ipaalam sa lahat na after two very publicized closeness and break-ups eh ang “the one” na ang natagpuan niya?

 

Sa true lang, hindi ba isang libo’t isang kilig ang ating naram­daman nu’ng kamakailan, itong si Kenneth, super posting ang bouquet of flo­wers na ibinigay niya kay Paolo nu’ng kaarawan ng actor-host.

 

Ay, ngayon ko lang napagtanto mas nauna palang nagpabulaklak si Kenneth Gabriel kay Pao kesa kay Calvin ni Ate Vice, may ganu’n ba talagang eksena? Hahahaha!